Tulad noong nakaraang taon, bilang gawaing panapos para sa Buwan ng Wika, ang korong pampaaralan na aking pinamumunuan ay maghahandog ng isang awitin para sa mga mag-aaral ng St. Mary's College of Meycauayan. Sa taong ito ay aawitin nila ang kantang "Mamang Sorbetero".
Ang awiting “Mamang Sorbetero” ay pinasikat ni Celeste
Legaspi nang magsimulang sumahimpapawid ito noong katapusan ng dekada 70. Ang himig
ng awit na ito ay nilikha ng sikat na mag-aawit at kompositor na si Jose Mari
Chan noong 1979 para sa pelikulang “Mamang Sorbetero” na ginampanan ni din Celeste
Legaspi at ng dating Pangulong Joseph Estrada bilang isang pelikulang kalahok
sa Metro Manila Film Festival. Ngunit alam nyo ba na ang himig o ang melody ng
awit na ito ay hango sa isang awiting sinulat din ni Jose Mari Chan noong
kalagitnaan ng dekada 70 na pinamagatang “Mr. Songwriter?” Si Gryk Ortaleza,
isang sikat na advertiser noong kanyang panahon, ang naglapat ng mga titik sa
wikang Tagalog para sa awiting ito. Dahil sa tagumpay ng pelikulang “Mamang
Sorbetero”, naging popular ang nasabing kanta kasabay din ng pagsikat ni
Celeste bilang isang aktres at mang-aawit.
Noong ika-27 ng Hulyo, 2012, inawit ng Marian Music Ministry ang nasabing kanta sa isang konsyerto na pinangunahan ng Our Lady of Fatima University Chorale na pianagatang "Heal the World: A Night of Chorale Music na ginanap sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Marulas, Lungsod ng Valenzuela.