Friday, June 22, 2012

Isang Liga, Isang Pamilya


Isang taon na naman ang nakalipas. Parang kahapon lang, mga bagong mukha ang noo’y nasa aking harapan, nahihintay ng kanilang kapalaran sa aking mga palad. Panibagong mga isipang huhubugin ng aking kaalaman, hindi man ako karapat-dapat. Isang taon. Kay bilis ng panahon. Totoo naming mabilis ang takbo ng oras. Parang kalian lang ay ako ang nangangarap na balang araw ay makapagtatapos ako. Heto’t ngayong taon, apatnapu’t anim na mga murang isip ang aking ginabayan. Apatnapu’t anim na mga kaluluwang isang isang kaparaanan ay naging bahagi ng aking buhay. Apatnapu’t anim na mga nilalang na tumulong na hubugin ang aking sarili bilang isang guro. Apatnapu’t anim na mga mag-aaral na bumuo sa isang pamilya. III-Justice.

Malilimutan ko ba…
ang aking mga Ungas Boys.
Si Migz na pinakaungas sa lahat at ang kanyang mga jokes.
Si Griko na kahit anong gawin ko ay ayaw lumayo sa piling ni Junko.
Si Jason, ang beauty queen title holder.
Si Adrian na madalas na nababara.
Si Angelico na “mabait” at matalinong anak. J
Si Renz na sa wakas ay nakapag-ahit na kaya lalong naging pogi.
at si Ravin. Nasaan si Ravin! Hindi ko makita si Ravin. Absent na naman ba?

Malilimutan ko ba…
ang aking mga Giggling Girls.
Si Kristalyn at ang kanyang naghihingalong tawa
na sinasabayan din ng naghihingalong hagikgik ni Merielle
(na hindi pa rin ako makaget-over sa eksena nila ni JPN nung JS)
Si Nadine na may sakit pala sa puso, pero tumitibok yata ang puso sa isang… ewan. Haha
Si Alina at ang kanyang mga tili.
at si Shannen na masaya ako dahil hindi natuloy ang pagda-drop.

Malilimutan ko ba…
Si Ervin Ryan, si Jerico, si Kirk. Mga anak magsasalita kayo ha. Hindi bawal.

Malilimutan ko ba…
Si Don Daven Oj at ang kanyang Indian look.
Si Nickhael na palaging late, since time immemorial.
Si David Ysrael na sana ay pagbutihan ang pag-aaral para makapag laro na ng sepak.
Si Marc at Reynald. Pasensya na kung napagpapalit ko ang mga pangalan nyo. Tao lang mahina sa spelling.
Si Peter Paulo na tahimik pero may kakulitang taglay.
Si Alex at ang kanyang “anyare?” sa malikhaing pagkukwento.
Itanong mo kaya yan kay Althea. Sasagutin ka kaya nya?
Si JPR na kauna-unahang homevisit ko sa isang advisory class.
Si Angelo. Pakicheck nga kung present siya.

Malilimutan ko ba…
Si Michelle at ang kanyang athletic skills.
Si Maritoni at ang kanyang yaya.
Si Shanille na namiss ko kasi hindi sumama sa fieldtrip.
Si Almira na nadislocate ang buto sa tuhod.
Si Jesica na mahusay sa Chemistry.
Si Charmaine at ang kanyang pagpe-Pep at COCC.

Malilimutan ko ba…
Ang love team na Bianca-Eldrige. Wag ko daw sasabihin sa Mommy ni Bianca.
At ni Huey-Marinel na mukhang si Marinel ang nanligaw.

Malilimutan ko ba…
Ang mga magaganda kong anak.
Si Mary Salve at ang kanyang rosy cheeks.
Si Angela, ang aking muse na long-legged.
Si Loren na ayaw ipatatawag ang pangalan niyang Denice. Salamat sa mga text at gm.
At si Edline. No further explanation needed.

Malilimutan ko ba…
Ang mga taong kahit madalas kong utusan ay hindi naisip na kaltukan ako bilang ganti.
Si Gaile… Nakapangolekta ka na ba? Gaile nasan ang listahan? Gaile? Gaaaaaaile!
Si Michael na palaging nagbubura ng blackboard, palaging nagtatapon ng nag-uumapaw na trash bin.
Si JC Laki, ang Big Kuya ng lahat. Nasaan na yung pulang wig?
Si Ingrid, na madalas magpaluwal. Ang yaman! May 10K sa ESC.
Si Ajel na sana wag kukuha ng Secretarial Course pag-College na siya. Magsawa ka naman sa pagiging secretary.
Si Krizztine, Kizzes, ayan tama ang spelling ha, at ang kanyang pagiging Lady Capulet.
Si Katrina na naging kanang kamay, mata, tainga, bibig at paa ko sa klase. Utang ko sa inyo ang lahat.

Paano ko malilimutan…

Ang MAPEH Room na minsan ninyong naging classroom.
Ang Green na padlock na nawawala na.
Ang bato sa likod ng locker na hindi ko alam kung bakit mayroon doon.
Ang mga statement of accounts na “regalo ninyo sa mga magulang” buwan-buwan.
Ang ink sa likod ng uniform ni JPR.
Ang nasirang celfone holder at basket sa TLE.
Ang mga escapers sa blackboard.
Ang tally ng padumihan at at paingayan.
Ang labanan ng mga lalaki at babae.
Ang paniki na dala ni Tolosa.

Paano ko malilimutan…

Ang inyong magandang altar. Ahem.
Ang malaking sound system tuwing may practice ng cheerdance.
Ang Court ng Medallion Homes. (at ang paghuhurumentado ng dad ni Loza)
Ang masayang feast day.
Ang Bebot noong Christmas Party.
Ang Fieldtrip sa Rizal Shrine at sa Sta. Rosa Eco Park.
Ang Pagpapractice kina Gaile at sa Meycauayan West Central School.
Ang Hagdanan ni Juliet.
Ang mga lockers na pinilit lagyan ng padlock para hindi manakawan.
Ang Award-Winning Bulletin Board. Ahem ulit.
Ang apat na seating-arrangements sa apat na quarters.
Ang AB 305.

Paano ko malilimutan… Paano ko kayo malilimutan.

No comments:

Post a Comment