Monday, July 8, 2013

Mga Piling BioPoem mula sa MNHS-Grade 8

Katulad ng naipangako, narito ang mga mahuhusay na gawang BioPoem ni San Pedro Calungsod ng mga mag-aaral mula sa Ikawalong Baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinta. :-)



Gawa ni Ruby Mendoza ng VIII-Agape

Pedro
Banal, Martir, Huwaran, Matapat at Makatao
Kaibigan ni Diego Luis, isang misyonero
Mahal ang relihiyon, tapat na totoo
Pinaratangang nilalason, mga katutubo
Pinatay, hinubaran ng masasamang tao
Dahil sa ginawang himala, itinalagang Santo
Nais niya'y mabinyagan lahat tayo
Isang Cebuano, dugong Pilipino
Calungsod ang apelyido






Gawa ni Nariel Marciales ng VIII-Agape


Pedro
Mabait, Masunurin, Mapagmahal, Banal
Migranet, Karpintero, Sakristan at Misyonaryo
Mamagmahal sa kapwa, tapat sa Panginoon
Pumunta sa Guam, nagligtas ng isang buhay
Sa kanyang pagiging maka-Diyos, sinibat at namatay
Nag-alay ng buhay, pagiging banal ay naisakatuparan
Ang pagiging Kristiyano at ang Kabanalan ay nais niyang ipalaganap
Katutubong Cebuano
Calungsod ang apelyido




Si Leila po iyong naka-headband.
Gawa ni Leila Marie Baltazar ng VIII-Agape

ANG IKALAWANG PILIPINONG SANTO

Pedro
Martir, Matapang, Banal Romano Katoliko
Kaibigang tapat ni Beato Diego
Tapat sa tungkulin, relihiyong Katoliko nais palawakin
Pinaratangang nanlason ng kaisipan, inusig ng taong bayan
Dahil sa Kristiyano'y binatilyo'y pinagtangkaan
Kinaya ang pagsubok, mithii'y ipinaglaban
Hindi sumuko sa kanyang pinagdaanan
Tubong-Cebu, Dugong Pilipino
Calungsod ang Apelyido

9 comments:

  1. Nice Sir, ganda ng mga picture , pang Facebook ps. cute ni Leila :))))

    ReplyDelete
  2. pati pala ni Ruby tsaka ni Nariel :)))

    ReplyDelete
  3. hai salamat may ass. na kooo

    ReplyDelete
  4. salamat ! nagkaroon ako ng clue . . .
    :D

    ReplyDelete
  5. fuck you negga!
    get lost asshole
    FUCK YOU TO DEATH!!! ../..

    ReplyDelete
  6. Teka, nahihirapan parin ako. Nahihirapan pa rin akong maghalungkat ng rason sa guro ko kung pa'no kung kopyahin ko nalang 'to? Kesa na gumawa ng sarili ko? Gademmit. Nakakautot.

    ReplyDelete
  7. Teka, nahihirapan parin ako. Nahihirapan pa rin akong maghalungkat ng rason sa guro ko kung pa'no kung kopyahin ko nalang 'to? Kesa na gumawa ng sarili ko? Gademmit. Nakakautot.

    ReplyDelete