Saturday, November 2, 2019
+ Roman Villano y Carillo
1883 - 1963
Members of Villano-Nilay clan pose before the remains of Roman Villano. Roman is my maternal great-grandfather. The Libro de Casamientos of Parroquia de Meycauayan which contains records of his wedding in 1904 narrates that he was the son of +Mariano Villano and +Bonifacia Carillo, residents of Licod. He was married to +Teresa Nilay y Bersosa, daughter of +Felix Nilay and +Maria Bersosa of Longos. She is the old woman standing at back of the casket with a hand on her cheek. Roman and Teresa were the parents of +Emiliano (right of Teresa) who is my nanay's father. Standing next to him in mournful stature is +Leoncia or Tia Nene, his spinster sister.
Emiliano is married to +Antonia Talusig y Magkasi, the woman seen here with a child. The child happens to be my mother, Valentina who in this picture was just barely one year old. On her left is +Flaviano or Diko Nano, Ninang Elisa's husband. At the foot of Diko Nano were his cousins Tita Nene and Tita Flerrie. Next to them are brothers +Restituto and Tito Gerardo. +Severino or Boyet is siting next to the their cousins Vita and Dina. On his left is Epifanio Jr., Vita and Dina's elder brother. +Numeriano, Emiliano and Antonia's eldest son is standing at the back of Teresa while Corazon (eldest daughter) is on her left.
Photographs like this served as keepsakes to remember the deceased. Morbid to some as it may seem as earlier samples of recuerdos de patay photographs even show the actual remains posed for posterity, these give us a sense of value on how we Filipinos treat and respect our dead.
℣. Requiem æternam dona eis, Domine
℟. Et lux perpetua luceat eis:
℣. Requiescant in pace.
℟. Amen.
2 November, 2019
Marilao, Bulacan
Thursday, April 28, 2016
From the land of bamboos, Meycauayan!
Meycauayan –
mula sa mga salitang “may kawayan” na tumukoy sa lugar na maraming tumutubong kawayan.
Sa ganyang paraan daw pinangalanan ang ngayon ay lungsod nakilala ring Sentro
ng Pag-aalahas sa Pilipinas. Subalit sa aking pag-iikot sa bayan, napansin kong
hindi naman saganasa kawayan ang kabayanan nito. Bakit nga ba ito ang naging pangalan
ng lungsod?
Mula sa Alamat
May dalawang bersyon
ang alamat kung bakit tinawag na “Meycauayan” ang bayan. Una ay ang poklorikong
salaysay na nagsasaad nito:
Bambusa bambos mula sa
Flora de Filipinas
ni Fr. Manuel Banco, OSA
|
Noong unang panahon, ang Pilipinas
ay nahahati sa anim na pangkat lamang at bawat isa nito ay nasa ilalim ng
pamamahala ng isang sultan o raha. Ang namamahala ng isang pangkat ay si Sultan
Yantok at samantalang si Raha Sugod ang namumuno sa isa. Magkaiba ang ugali ng
dalawang ito. Si Sultan Yantok ay malupit at matapang samantalang si Raha Sugod
ay mabait. Mahal na mahal si Raja Sugod ng kanyang mga nasasakupan dahil sa
kanyang kabutihan.
Isang araw, si Sultan
Yantok ay lumusob sa kaharian ni Raha Sugod kung saan ang kampo ng huli ay
kanyang nakubkob. Nagsitakas ang kanyang mga tauhan at isang lugar na ligid na ligid
ng matitinik na kawayan ang napili nilang pagtaguan. Pagalit na iniutos ni
Sultan Yantok ang paghanap sa mga nagsitakas ngunit dahil sa kahirapan ng
pagtungo sa masukal at matinik na kawayanan na pinagtaguan ng mga tauhan ni Raha
Sugod ay hindi na pinagpilitan pang ipahanap at ipadakip sila ni Sultan Yantok.
Lahat ng kanyang naatasang magtungo sa pook na kublihan ng mga takas ay pawang umuuwi
na sugatan ang mga katawan.
Simula noon, ang pook na iyon
ay tinatawag na “May Kawayan” dahilan nga sa dami ng mga kawayan na nakapaligid
doon.
Ang ikalawang bersyon
ay may kinalaman sa mga prayleng nagpunla ng pananampalatayang Kristiyano sa bahaging
ito ng Bulacan. Sinasabing sa kanilang pagdating sa lugar ay nadatnan nila ang mga
nagtatayugang mga kawayang tumutubo doon kung kaya tinawag na Meycauayan ang lugar.
Dahil sa pananalasa
ng isang bagyo, inilipat ang kabayanan sa Lagolo noong 1588 at pagkatapos ay
muling inilipat sa kasalukuyan nitong kinatatayuan noong 1688.
Paiba-ibang Baybay.
Sa pagdaan ng
panahon, nagkaroon ng maraming paraan ng pagbabaybay sa pangalan nito. Sa dokumentong
Relacion de las Encomiendas Existentes en Filipinas noong 1591 tinawag itong
Encomienda de Mecabayan. Malamang na ang baybay na ito ay nagmula sa Romanized
na Mecavayan kung saan ang titik U ay madalas na nagiging V na nagiging B rin
naman. Naging kaso rin ito ng baybay ng Baliuag na naging Balivag na siya namang
naging Balibag at ng Bocaue na minsan ay nagiging Bocavi sa ilang mga kasulatan.
Makikita rin ito sa aklat na Anales Minorum ng mga Fransiscano na tumatalakay sa
pagtatatag ng mga bayang Franciscano noong 1578.
Bahagi ng Aklat na Annales Minorum seu trium ordinum a. s.
Francisco Institutorum, 1844
|
Isa namang dokumentong
nagpapahintulot na ipatayo ang isang simbahang bato noong taong 1599 ang nagsasaad
na ang baybay ng pangalan ng bayan ay Meycaguaian. Nagpatuloy ang ganitong paraan
ng baybay na may titik “G” bagamat may ilang baryasyon; Mecaguayan at
Meicaguayan (1631). Sa pagitan ng taong 1644-1649, tinawag naman itong Micauayan.
Sa mapa ng Pilipinas noong 1734 na nailathala sa aklat ng Heswitang si Pedro
Murillo Velarde ay tinawag naman itong Maycauayan.
Mapa ng Bulacan mula sa Carta Hydrographica y Chorographica
de las Yslas Filipinas, 1734
|
Kinilala ang
bayan bilang Pueblo de Meycauayan sa mga libros canonicos ng Simbahan ng
Meycauayan gayundin sa mga opisyal na dokumeto ng kolonya sa panahon ng mga Espanyol
hanggang sa ito’y maging Municipality of Meycauayan noong panahon ng mga Amerikano.
Sa mga aklat tungkol sa Digmaang Filipino-Amerikano ay nagkaroon ng ilan pang
mga baryasyon sa pagbabaybay sa ngalan ng bayan. Lumitaw ang Maykawayan,
Maycauayan, Meicauayan at Meikauayan sa ilang mga pagbanggit bilang ngalan nito.
Mapa ng Pag-atake ni Admiral George Dewey sa Maynila, 1899 |
Sa pagkakamit ng
mga Pilipino ng ganap nakalayaan noong 1945, opisyal itong tinawagna
Municipality of Meycauayan / Munisipalidad ng Meycauayan. Mangilan-ngilan din
ang gumamit ng baybay na Meykawayan at Maykawayan sa ilang mga dokumento.
Kasabay ng
pagsapit ng bagong milenyo ay ang muling pagbabago sa kanyang opisyal na katawagan.
Taong 2006 nang maging ganap na lungsod ang Meycauayan. Sang-ayon sa Batas Republika 9356, ito ay tatawaging City of Meycauayan o Lungsod ng Meycauayan. Hindi man opisyal, madalas nang tawagin itong Meycauayan
City sa kasalukuyan.
Anuman ang pagbaybay,
nagkaroon man ng ilang pagbabago, naroroon pa rinang diwa ng halamang kawayan.
Larawan ito ng katatagan na sumasalamin sa mahabang kasaysayan ng bayang sinubok
man ng panahon ay nananatili pa ring nakatayo at sumasayaw sa ihip ng
nagbabagong panahon.
Licod, Lungsod ng Meycauayan
28 Abril, 2016
Wednesday, June 3, 2015
Mito mula sa Sinaunang Roma: Cupid at Psyche
Isinalin sa Ingles ni Edith
Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma
C. Ambat
Noong unang
panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae. Ang pinakamaganda
sa tatlo ang bunsong si Psyche. Labis
siyang hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus,
ang diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda nito. Nalimot na rin
ng kalalakihan na magbigay ng alay at
magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang templo ay wala nang mga alay, naging
marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng papuri’t karangalang
dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus at
inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si Psyche sa isang
nakatatakot na nilalang. Hindi na niya naisip ang maaaring maidulot ng
kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad
tumalima si Cupid at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche
nang nasilayan niya ang kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang
sariling puso.
Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang
ina ang nangyari. Labis namang nagtitiwala si Venus at hindi na rin nito
inusisa ang anak. Nanabik ang diyosa ng kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni
Psyche.
Gayunman, hindi naganap ang inaasahan ni
Venus. Hindi umibig si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang o kahit kanino.
Ang isa pang nakapagtataka ay walang umiibig sa kaniya. Kontento nang pagmasdan
at sambahin siya ng mga lalaki subalit hindi ang ibigin siya. Ang kaniyang
dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay niyang kagandahan ay
nakapag-asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa kani-kaniyang palasyo.
Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila walang nais magmahal sa kaniya.
Nabahala ang mga magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring ama ni Psyche upang humingi ng tulong kay Apollo. Hiniling niyang payuhan siya ni Apollo kung paano makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak. Lingid sa kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo. Sinabi niya ang kaniyang sitwasyon at nagmakaawang tulungan siya. Kaya sinabi ni Apollo sa hari na makapangangasawa si Psyche ng isang nakakatakot na nilalang. Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng pamburol si Psyche, dalhin siya sa tuktok ng bundok, at iwan nang mag-isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang mapapangasawa na isang halimaw,isang ahas na may pakpak.
Nabahala ang mga magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring ama ni Psyche upang humingi ng tulong kay Apollo. Hiniling niyang payuhan siya ni Apollo kung paano makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak. Lingid sa kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo. Sinabi niya ang kaniyang sitwasyon at nagmakaawang tulungan siya. Kaya sinabi ni Apollo sa hari na makapangangasawa si Psyche ng isang nakakatakot na nilalang. Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng pamburol si Psyche, dalhin siya sa tuktok ng bundok, at iwan nang mag-isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang mapapangasawa na isang halimaw,isang ahas na may pakpak.
Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang
pagbabalik sa palasyo subalit agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos
niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si
Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na
parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Habang
naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring mangyari kay Psyche. Sa
kabila naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang na hinarap ng dalaga ang kaniyang
kapalaran. “ Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong kagandahan
ang sanhi ng panibugho ng langit”,sumbat niya sa kaniyang ama. Pagkatapos nito
ay pinaalis na ni Psyche ang kaniyang mga kasama at sinabing masaya niyang
haharapin ang kaniyang katapusan.
Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon
ng dilim ang buong bundok. Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam kung
ano ang naghihintay sa kaniya. Patuloy siyang tumatangis at nanginginig sa takot
hanggang sa dumating ang malambing na ihip ng hangin ni Zephyr. Inilipad siya
nito at inilapag sa isang damuhang parang na kasinlambot ng kama at
pinahalimuyak ng mababangong bulaklak. Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang
lahat ng kaniyang kalungkutan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi. Nang
magising si Psyche sa tabi ng ilog, natanaw niya sa pampang nito ang isang mansiyon
na parang ipinatayo para sa mga diyos. Nagmasid-masid siya at labis ang kaniyang
pagkamangha sa kagandahan nito. Yari sa pilak at ginto ang mga haligi, at ang
sahig ay napalamutian ng mga hiyas. Nag-aalinlangan niyang buksan ang pinto
subalit may tinig na nangusap sa kaniya. “ Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong
ito. Maligo ka, magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa iyo. Kami ang
iyong mga alipin.” wika ng mga tinig.
Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain
siya ng masasarap na pagkain. Buong araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at
ng mga awitin ng koro na hindi niya nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang
mga kasama, nag-iisa siya sa mansiyon. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan,
batid niyang sa pagsapit ng gabi ay darating ang kaniyang mapapangasawa.
Lumipas ang maghapon nang hindi niya namamalayan. Pagsapit ng gabi nangyari nga
ang inaasahan niya. Naramdaman niya ang pagdating ng lalaki. Tulad ng mga tinig
hindi niya ito nakikita. Bumulong ang lalaki sa kaniyang tainga. Nang marinig
niya ang tinig ng lalaki, nawala ang lahat ng takot na kaniyang nararamdaman.
Sa kaniyang paniniwala, hindi halimaw ang lalaki kundi isang mangingibig at
asawang matagal na niyang hinihintay.
Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan
ng lalaki. Binalaan siyang may panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa
niyang kapatid. “Darating ang iyong mga kapatid upang magluksa sa lugar kung
saan ka nila iniwan,” wika ng asawa. “Subalit huwag na huwag kang magpapakita
sa kanila sapagkat magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan
sa iyo,” habilin ng lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa kagustuhan
ng asawa.
Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis
ng kaniyang mga kapatid. Labis na naantig ang kaniyang damdamin sa kanilang
pagluluksa. Nais niyang ibsan ang kanilang kalungkutan at patahanin sila sa
pag-iyak. Hanggang sa maging siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan pa
siya ng kaniyang asawa na umiiyak. Sinabi ng lalaki na maaari na niyang makita
ang kaniyang mga kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang babala. “Sige
gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan,”
wika ng lalaki. Pinayuhan siya nang masinsinan na huwag siyang pabubuyo
kaninuman na subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari ito,
magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya. “Nanaisin kong mamatay nang
isandaang beses kaysa sa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo
lang ang kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga kapatid,” buong pagmamakaawang
hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.
Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin
ni Zephyr ang dalawang kapatid ni Psyche. Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan
ang magkakapatid. Walang mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang kaligayahan. Nang
pumasok na sila sa mansiyon labis na pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid.
Sila ay nakatira sa palasyo subalit walang kasingganda ang mansiyon na ito.
Nag-usisa sila kung sino ang napangasawa ni Psyche. Tulad ng kaniyang
ipinangako inilihim ni Psyche ang tunay na pagkatao ng asawa. Nang matapos na
ang pagdalaw ng kaniyang mga kapatid, dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas
upang ibigay sa kaniyang mga kapatid. Ipinahatid niyang muli ang mga kapatid
kay Zephyr. Labis na pangingimbulo ang naramdaman ng mga ate ni Psyche sa kaniya.
Ang kanilang kayamanan ay hindi maihahambing sa kayamanang kanilang nakita sa
tahanan ni Psyche. Binalot nang labis na inggit ang kanilang puso na humantong sa pagpaplano nila ng ikapapahamak
ng kanilang bunsong kapatid.
Noong gabi ring iyon, muling kinausap ng
lalaki si Psyche. Nagmakaawa siyang huwag na muling patuluyin sa kanilang
tahanan ang kaniyang mga kapatid. “Tandaan
mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong pangako,”
masidhing paalala ng kaniyang asawa. “Bawal na kitang makita, pati ba naman ang
mga mahal kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat ni Pysche. Muling pinagbigyan ng
lalaki ang asawa na makita ang kaniyang mga kapatid.
Sa
wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si Psyche patungo
sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang mga ito. Sinindihan
niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa. Laking ginhawa
at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan niya sa unang
pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa. Hindi halimaw ang kaniyang nakita
kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan
ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis na
kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang
sarili. Nang akma na niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig
ang kaniyang kamay, at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay
kapwa nagligtas at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang
kaguwapuhan ng kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit
na langis ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan ang kaniyang
pagtataksil. Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita.
Sinundan ni Psyche ang asawa subalit
paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang niya ang
tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. “ Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang tiwala,” wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. “ Si Cupid, ang diyos
ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “ Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak
lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa kaniya. Mawawala na nga ba siya sa
akin nang tuluyan ?” wika niya sa kaniyang sarili. Inipon niya ang lahat ng nalalabi
niyang lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang
hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin, maipakikita ko
sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche ang kaniyang
paglalakbay.
Sa kabilang banda, umuwi si Cupid sa kaniyang
ina upang pagalingin ang kaniyang sugat. Isinalaysay niya sa kaniyang ina ang
nangyari. Nagpupuyos sa galit si Venus at lalong sumidhi ang pagseselos niya
kay Psyche. Iniwan niya si Cupid nang hindi man lang tinulungang gamutin ang
sugat nito. Determinado si Venus na ipakita kay Psyche kung paano magalit ang
isang diyosa kapag hindi nasiyahan sa isang mortal.
Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit
na makuha ang panig ng mga diyos. Siya ay palagiang nag-aalay ng marubdob na
panalangin sa mga diyos subalit wala sa kanila ang nais maging kaaway si Venus.
Nararamdaman ni Psyche na wala siyang pag-asa sa lupa o sa langit man. Kaya
minabuti niyang magtungo sa kaharian ni Venus at ialay ang kaniyang sarili na
maging isang alipin. Sa ganitong paraan ay umaasa siyang lalambot din ang puso
ni Venus at huhupa rin ang kaniyang galit. Nagbabakasakali rin siyang naroon sa
kaniyang ina si Cupid. Sinimulan na niya ang kaniyang paglalakbay.
Nang dumating si Psyche sa palasyo
ni Venus, humalakhak nang malakas ang diyosa. Pakutya niyang tinanong si
Psyche, “ nagpunta ka ba rito upang maghanap ng mapapangasawa? Tiyak kong ang
dati mong asawa ay wala nang pakialam sa iyo, sapagkat muntik na siyang mamatay
dahil sa natamong sugat mula sa kumukulong langis na dulot mo. Isa kang
kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi
ka daraan sa butas ng karayom.” Sinabi ng diyosa na tutulungan niya si Psyche
sa pagsasanay. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan na
puno ng iba’t ibang uri ng maliliit na butong pinaghalo-halo niya. Inutusan
niya si Pysche na bago dumilim dapat ay napagsama-sama na niya ang magkakauring
buto. Agad lumisan ang diyosa.
Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking
tumpok ng mga buto. Napaka-imposible ng ipinagagawa sa kaniya ng diyosa. Nasa
ganitong pagmumuni si Psyche nang pagmasdan siya ng mga langgam. Kung ang mga
mortal at imortal ay hindi naaawa sa kaniya, hindi ang maliliit na nilalang.
Nagtawag ang mga langgam ng kanilang mga kasama at sinimulan ang
pagbubukod-bukod ng mga buto. Agad natapos ang gawain. Pagdating ni Venus,
hindi siya nasiyahan sa kaniyang nakita. Sinabi niyang hindi pa tapos ang mga
pagsubok ni Psyche. Binigyan niya si Psyche ng matigas na tinapay. Sinabi rin
ng diyosa na sa sahig siya matutulog. Inisip ng diyosa na kung pahihirapan at
gugutumin niya si Psyche mauubos rin ang nakaiinis nitong ganda. Samantala,
tiniyak ni Venus na hindi makalalabas si
Cupid sa kaniyang silid habang pinahihilom nito ang kaniyang sugat. Nasisiyahan
si Venus sa magandang takbo ng mga pangyayari.
Kinaumagahan, isang mapanganib na pagsubok
ang ipinagawa ni Venus kay Psyche. Pinakukuha niya si Psyche ng gintong
balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog. Ang mga tupa ay mababangis at mapanganib.
Nang marating ni Psyche ang ilog, natutukso siyang tumalon at magpalunod na
lamang upang matapos na ang kaniyang paghihirap. Nakarinig siya ng tinig mula
sa halamang nasa tabi ng ilog. “
Huwag kang magpapakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang ipinagagawa sa iyo.
Kailangan mo lang maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng gintong
balahibo ng tupa. Pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa mula sa malalabay na
halamanan ay magtutungo dito sa ilog upang magpahinga. Magtungo ka sa halamanan
at doon ka kumuha ng mga gintong balahibong nasabit sa mga sanga.” Sinunod ni
Psyche ang payo ng halamang nasa tabi ng ilog. Umuwi siya sa kaharian ni Venus
na dala ang mga gintong balahibo ng tupa.
“May tumulong sa iyo!” sumbat ni Venus kay
Psyche. “Hindi mo ginagawa nang mag-isa ang mga pinagagawa ko sa iyo. Hindi
bale, bibigyan kita ng pagkakataong patunayan na sadyang mapagkunwari kang may
mabuting puso at magaling.” Itinuro ni Venus sa malayo ang itim na tubig ng
talon. Binigyan niya si Psyche ng prasko at pupunuin ito ng itim na tubig.
Nagtungo si Psyche sa ilog ng Styx. Nakita niyang malalim ang bangin at mabato.
Tanging may pakpak lamang ang maaaring makaigib ng tubig. Sa lahat ng kaniyang
pagsubok, ito na ang pinakamapanganib. Tulad ng inaasahan may tumulong kay
Psyche. Isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni Psyche at lumipad malapit
sa talon. Pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang prasko.
Hindi pa rin sumusuko si Venus sa
pagpapahirap kay Psyche. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harap ng madla.
Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa kawawang mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon
na paglalagyan niya ng kagandahang kukunin ni Psyche mula kay Proserpine, ang
reyna sa ilalim ng lupa. Inutos ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya
ito sapagkat napagod siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak na may sakit. Katulad
ng mga nauna agad tumalima si Psyche. Dala ang kahon, tinalunton niya ang daan
papunta sa kaharian ni Hades. Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya
ng detalyadong hakbang patungo sa kaharian sa ilalim ng lupa. Una, kailangan
niyang pumasok sa isang butas na lagusan patungo sa ilalim ng lupa sa tabi ng
ilog ng kamatayan. Kailangan niyang sumakay sa isang bangkang ang bangkero ay
si Charon. Kailangan niyang bayaran ng pera si Charon upang siya ay makatawid.
Makikita na niya ang lansangan patungo sa palasyo. Sa pintuan ng palasyo may
nagbabantay na isang asong tatlong ulo. Kapag binigyan ng cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang magpapasok sa
palasyo.
Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng
tore. Pinaunlakan din ni Proserpine ang kahilingan ni Venus. Agad nakabalik si
Psyche nang mas mabilis pa kaysa sa kaniyang pagbaba. Gayunman,nasubok muli ang
karupukan ni Psyche. Sa paghahangad niya ng karagdagang kagandahan upang umibig
muli si Cupid sa kaniya, natukso siyang kumuha ng kaunting ganda sa loob ng
kahon. Nang buksan niya ito, tila walang laman subalit nakadama siya ng
matinding panghihina at agad nakatulog.
Sa mga panahong ito ay magaling na si
Cupid. Sabik na siyang makita ang kaniyang asawa subalit ibinilanggo siya ng kaniyang
ina. Mahirap bihagin ang pagmamahal. Kaya humanap si Cupid ng paraan upang
makatakas. Nakita niya ang bukas na bintana at doon siya nakatakas. Nahanap
niya agad si Psyche malapit sa palasyo. Agad niyang pinawi ang pagtulog ng
asawa at agad sinilid ang gayuma sa kahon. Bahagya niyang tinusok ng kaniyang
busog si Psyche upang magising. Pinagalitan niyang muli ang kaniyang asawa
dahil sa pagiging mausisa nito na humantong
muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi
niyang magtungo si Psyche sa kaniyang ina at ibigay ang kahon. Dito na
magtatapos ang pagpapahirap ng kaniyang
ina.
Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng
mga diyos at diyosa kasama na si Venus. Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at
wala nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si
Psyche sa kaharian ng mga diyos. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia , ang pagkain ng mga diyos upang maging imortal. Naging panatag na
rin si Venus na maging manugang si Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At kung
maninirahan na ang manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na muling makagagambala
si Psyche sa pagsamba ng tao kay Venus.
Ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche)
ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi
na mabubuwag kailanman.
Subscribe to:
Posts (Atom)