Oktubre. Buwang abala sa parokya sapagkat halos sunod-sunod ang mga pagdiriwang panrelihiyon sa simbahan. Katatapos pa lamang ng pista ni San Lorenzo Ruiz ng Maynila at ilang araw nang nagaganap ang pagnonobena sa karangalan ni San Francisco ng Assisi. Pagsapit ng unang araw ng buwan ipinagdiriwang ang pista ni Sta. Teresita del Niño Jesus. Noong araw daw aty pinamumunuan ito ng Kapisanan ni Sta. Teresita. Wala na ang ganoong samahan sa kasalukuyan ngunit sa kabila nito, pinagdiriwang pa rin ang kapistahan ng pantas ng simbahan.
Nasa larawan ang prusisyon
sa karangalan ni Santa Teresita del Niño Jesus sa Meycauayan noong
dekada 30 sa pamumuno ng Kapisanan ni Sta. Teresita. Makikita sa rito
si P. Teofilo Narcisco (kura paroko ng Meycauayan mula 1933 - 1939),
mga abay ni Sta. Teresita at mga batang nakadamit kawangis ng santa.
Kuhang larawan mula sa "puerta lateral" ng simbahan (pintuan sa gilid ng
simbahang katapat noon ng sementeryo).
No comments:
Post a Comment