Sa araw na ito, ika-30 ng Nobyembre, ginugunita ang kapanganakan ng dakilang bayaning Pilipino na si Andres Bonifacio. Noong taong 1974, isang Palatandaang Pangkasaysayan ang inilagay sa lugar ng kanyang kapanganakan sa Tondo, Maynila, sa isang bahagi ng Divisoria ngayon, bilang paggunita sa kanyang kabayanihan.
Andres Bonifacio (1863-1897)
Isinilang sa pook na ito noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Lumaki sa pagdaralita ngunit natuto sa sariling pagsisikap at likas na katalinuhan. Lumabas sa mga dulang Tagalog sa pamamahala ng Teatro Porvenir sa Trozo. Itinatag ang mapanghimagsik na Katipunan nang manga Anak ng Bayan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 na ang layo'y makamtan ang kasarinlan ng bayan. Namuno sa paghihimagsik laban sa mga Kastila noong 1896 na humantong sa Republika ng Pilipinas noong 1898.

Namatay sa Kabite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
No comments:
Post a Comment