Isinilang si Arsobispo Artemio Gabriel Casas sa Poblacion,
Meycauayan, Bulacan noong ika-20 ng Oktubre 1911. Panganay sa mga supling nina Exequiel Casas at Maria
Gabriel. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at nagtapos sa Pamantasan ng
Santo Tomas.
Ika-20 Marso,
1938 nang ordinahan siya sa pagkapari at unang naging destino niya ang Paombong, Bulacan bilang coadjutor. Di lumaon at nalipat siya sa Parokya ng San
Roque sa Probinsya ng Rizal at Inmaculata Concepcion sa Tayuman Maynila.
Ika-17 ng Enero,
1956 nang siya ay italaga bilang Monsignor (Domestic Prelate) sa San Miguel,
Maynila ni Lub. Kgg Rufino J. Santos D.D., Arsobispo ng Maynila. Kasabay niyang itinalaga sina Reb P.
Pedro Abad na tubong-Meycauayan din at ng lima pang paring taga-Bulacan
na Sina P. Guillermo Mendoza ng Bocaue, P. Jose Aguinaldo ng Hagonoy, P. Fernando
Mempin ng Baliauag, P. Honorio Resurreccion at Francisco Avendano na parehong taga-Obando. Kasabay din nila Si P. Felix Sicat na naging kura paroko ng ating simbahan. Siya ay nahirang na Rector ng Katedral ng Maynila mula 1956 hanggang
sa mahirang na Obispo ng Imus noong ika-1 ng Disyembre, 1961 at Inordinahang Obispo ni Rufino Jiao
Cardinal Santos noong ika-24 ng Pebrero, 1962 sa Imus, Cavite kung saan siya
naglingkod hanggang 1969.
Ika-4 ng Setyembre, 1968
nang hiranging siya bilang Katuwang na Obispo ng Maynila at Obispo Titular ng
“Macriana Minor”. Si Obispo Casas ay nanilbihang Chancellor sa Arkidiyosesis ng Maynila sa kapanahunan ni Cardinal Santos at nanungkulan din bilang Censor
Librorum.
Noong yumao si
Cardinal Santos, siya ang nahirang na “Vicar Capitular” at di naglaon ay naging
Arsobispo ng Jaro Iloilo kapalit ni Jaime Cardinal Sin na nahirang naman bilang
Arsobispo ng Maynila noong ika-11 ng Mayo, 1974. Nanungkulan siyang arsobispo sa Jaro
hanggang ika-25 ng Oktubre,1985.
Pumanaw
noong ika-25 Marso 1989 sa gulang na 78, bilang Arsobispo Emerito ng Jaro, pari
sa loob ng 51 taon at obispo ng 27 taon. Tunay na alagad ng simbahan, mapagmahal na ama ng Jaro at dakilang Anak ng
Meycauayan. Siya ay inilibing sa may paanan ng kampanaryo ng ating Simbahan,
ang simbahang umugit at naging inspirasyon niya sa pagtahak sa buhay
paglilingkod sa Diyos at sa Kapwa.
*Sanggunian: N. S. P. S. Francisco de Asi: Kasaysayan ng Buhay-Pananampalataya ng Meycauayan ni Ronaldo Dionisio et al.
No comments:
Post a Comment