Ika-18 ng Oktubre, 1973, itinalaga ang Lubhang
Kagalang-galang Cirilo R. Almario, Jr., D. D. bilang Obispo Titular ng Zaba at Katulong na Obispo (coadjutor bishop) ng Diyosesis ng
Malolos sa Katedral ng Lipa, Batangas.
Si Obispo Cirilo ay ipinanganak sa Caridad, Lungsod ng Cavite noong ika-11 ng Enero, 1931 at inordinahang pari noong Ika-30 ng Nobyembre, 1956 sa Maynila. Humalili siya kay Obispo Manuel Del Rosario, ang kauna-unahang obispo ng Diyosesis ng Malolos. Pansamantala namalagi si Obispo Cirilo sa bagong kumbento ng Parokya ni San
Idefonso ng Toledo sa Guiguinto at nanatili doon sa loob ng tatlong taon
matapos ang pagpapagawa ng kumbento ng Katedral ng Malolos na siyang magiging
Palasyo ng Obispo. Ilan sa mga posisyong kanyang hinawakan ay ang mga sumusunod: Kalihim ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas (CBCP) mula 1976-1981, puno ng CBCP Public
Affairs Committee and CBCP Commission on Biblical Apostolate. Naging punong abala siya sa paghahanda sa kauna-unahang pagbisita ng Santo Papa, Beato Juan Pablo II noong 1981. Bumaba sa tungkulin at naging Obispo Emerito ng Malolos noong ika-20 ng Enero, 1996. Kasalukuyang namamalagi sa kumbento ng mga madre ng Religious Catechists of Mary na kanyang itinatag.
No comments:
Post a Comment