Sa aklat na Yesterdays in the
Philippines na inilathala noong 1898, inilarawan ng Amerikanong si Joseph Earle
Stevens ang kanyang karanasan sa pagpunta sa Obando noong taong 1894sa
kapistahan ng kanilang tatlong patron: San Pascual Baylon, Santa Clara at Virgen
ng Salambao. Partikular na binigyang-diin ni Stevens ang pagsasayaw ng mga
namamanata roon bilang isang paraan ng kanilang panata, mapa-lalaki, babae,
bata, matanda, ama o ina man.
Fiesta of
Obando 1894
Bayluhan sa loob ng simbahan ng Obando ca. '30s |
Ang pista sa Obando ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing ika-17, 18 at 19 ng Mayo. Sa kasamaang palad, nabomba ang simbahan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kasama ang orihinal na imahen ng mga patron na nasira o nawala. Pansamantalang naitigil ang pagsasayaw noong dekada '70s dahil ito raw ay hindi nakaayon sa liturhiya. Bulong-bulungan daw noon na palihim na umiindak pa rin ang mga namamanata tuwing sila ay bumibisita sa Obando. Salamat sa Diyos at muling naibalik ang tradisyon ng pagsasayaw sa Obando.
Halina sa
bayang ito kung saan ang bawat indak at kahilingan, bawat galaw ay pasasalamat
at ang bawat imbay ay panalangin.
17 ng Mayo,
2013
Malinta,
Lungsod ng Valenzuela