Ang Ibon ng Hari
Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo.
Mga Bilyaka:
Una, Ikalawa, Ikatlo.
Mga Bilyako:
Una, Ikalawa, Ikatlo.
Hari: Tribulasyon!
Lahat: Tribulasyon!
Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig)
Ang komposisyon
ng tanan
ay
paglalarong mahusay!
Ang
magulo ay mahalay
Sa
mata ng kapitbahay.
Mga
binibini at mga ginoo,
Matatanda’t
batang ngayo’y naririto,
Malugod
na bati ang tanging handog ko
sa pagsisimula nitong larong duplo.
Ang hardin ko’y
kubkob ng rehas na bakal,
Asero
ang pinto’t patalim ang urang;
Ngunit
at nawala ang ibon kong hirang,
Ang
mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!
Mga Bilyaka:
Hindi kami ang nagnakaw.
Hari: Sino ang nagnakaw?
Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan;
May
isang aninong aking natanaw;
Hindi
sinasadya, nang aking lapitan
Isang
babae po, iyang natagpuan.
At
kitang-kita kong ikinubli niya.
Siya’y
naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw
ng ibon ay isang bilyaka!
Hari: Diyata’t bilyaka?
Sino sa kanila?
Bilyako 1: Sa unang hanay po.
Bilyaka 2: H’wag paniwalaan.
Siya’y
bulaan!
(Magkakaingay)
Hari: (Sa lahat) Katahimikan!
(Sa
Bilyako 1) Mapatototohanan?
Bilyako 1: Ako’y nalalaan!
Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya,
Hindi
maaari’t kami’y magkasama;
Kami’y
namamasyal ng irog kong sinta,
Pa’nong
mananakaw ang ibon sa hawla?
Hari: Kung hindi nga siya,
sabihin kung sino
At
pakaasahang parurusahan ko.
Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang
hanay,
Doon
nakaupo nang buong hinusay,
Walang
iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
Kung
hindi ay bakit ipinagsasanggalang?
Hari: Pinararatanga’y hindi
umiimik,
Tila
nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip)
Sapagkat
may sala
Heto,
palmatorya! (Akmang papaluin)
Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari,
Mag-isip-isip
ka’t baka magkamali.
(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)
Nalalaman ko po
kung sinong nagnakaw.
Aking
ibubulong kung pahihintulutan.
Hari: Nagpapahintulot!
Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)
Hari: Ipakakaon ko, talaga bang
tunay?
(Siyang
pagdating ng abay ng reyna)
Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala,
Isasauli
ko sa kinunang hawla;
Kagabi
po ito’y kinuha ng reyna
Siya ay nag-aliw sa pangungulila!
Hari: Kung gayon ay walang dapat
parusahan!
Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
Kung uulitin
pa’y ipagbibigay-alam
Nang
huwag ang iba ang mapagbintangan.
Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya,
Baka
nalimutan at nalingat siya.
Hari: Maraming salamat, bilyaka’t
bilyako,
Ngayo’y
tinatapos itong larong duplo.
Paalam
sa lahat, salamat sa inyo,
Muling
magkikita pag naglaro tayo.
WAKAS
Hello po... Sino po original na nagsula nito? :)
ReplyDeleteako po mga fucker
ReplyDeletepaano nila nilalaro ang duplo?
ReplyDeletepa balagtas po dapat kapag hindi ka magaling mangatwiran ikaw yung masisisi na nagnakaw ng ibon
Deleteano po ag buod nyan ???
ReplyDeleteThank you❤
ReplyDeleteLahat po ba ng duplo ganito ang ending?
ReplyDelete