(Para sa aming klase sa Filipino 8)
ANG KARAGATAN
(May isang mesang nakalagay ang mga
paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na
binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang
matanda ang lalapit sa ponda.)
Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing
ay ‘di
pa nagagatungan.
Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t
tayo’y
makakain.
Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di
masindihan ay higit
na marami ang nasa kalan kaysa
kailangan.
Isa pang
manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t
naghahanap;
dalawaha’y angkop at siyang anong sarap;
ngunit
pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di
matiyak
ni Neneng kung sino sa kanila ang
kakausapin,
mga
kanayon ano’ng kailangan?
Lahat: Tanging paraa’y ang
karagatan.
Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?
Neneng:
Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan
rin ninyo ang
masusunod.
Ingkong Terong: At
kayong apat?
Apat na Lalaki : Opo.
Ingkong Terong: Akin
na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga
ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon).
Kayong apat ay
magpapalabunutan kung sino ang unang
sisisid sa
singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan).
At ikaw Berting ang
unang sisisid sa dagat ng pag-ibig
upang makuha ang
singsing.
Mga Tao: (Palakpakan)
Isang Tao: Pagbutihin
mo, binata at si Neneng ay marami nang
nailunod na talisuyo sa
karagatan.
Berting: Magandang gabi sa
inyong lahat
Mga nariritong kanayon ni Neneng
At sa iyo mutya’y muling nagpupugay.
Ipinangangakong nahulog mong singsing
Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
Ng palitong itong nagpapahintulot
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
At ang iyong singsing ay aking makamit
Ay katunayan nang Diyos ang pumili
Na ako ngang ito’y siya mong itangi.
Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit ‘di upang siyang maging irog
Kundi idaan
lang muna sa pagsubok
Kaya’t
sisirin mo ang tanong kong ito
At singsing kong ito ay nang maangkin
mo
Ang singsing na itong linso’t walang
bato
Turan mo’ng simula at ang dulo nito.
Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat
Na
‘di matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t
iyong singsing nais mang makuha
Isa
pang pagsubok ay hiling ko sinta.
Kulas: Ang pagkakatao’y
isalin sa iba
Nang ‘di
masabing ikaw ay buwaya
Akong
nabunot ng pang-ikalawa
Inaangkin
hirang kanyang karapatan
Sumisid
sa dagat ng singsing mong bugtong
Na
siyang panumbas sa iyong pag-irog.
Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin
Ang
lalim ng puno’t dulo niyang singsing.
Kulas: Singsing,
aking Neneng, walang puno’t dulo
Mayroon
ngang simula at may wakas ito
Ang
simula’y bilog nito na panloob
At
ang katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan
kung gawin, singsing ng pag-ibig
Haya’t
nasisid ko singsing mong nahulog.
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto
Kaya’t
heto naman ang para sa iyo;
Nang
ika’y parito, pamula sa kanto
Ilang
bahay, Kulas, ang naraanan mo?
May
ilaw ay ilan, iyo sanang turan
Tingnan
ko ang tibay pang-alaala mo?
Kulas: Salamat
Neneng ko’t iyang katanungan
Kay daling
sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y
tanging mahal; Heto ang tugon ko:
Bahay,
pito lamang at sa mga ito’y
Aking
natandaan, apat ang may ilaw-
Ito’y
patotoong isip ko’y malinaw.
Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan
Kaya’t
isasalin itong aking tanong
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
At siyang
sisisid, sa singsing kong bugtong.
Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo
Kaya’t
iyong dinggin ang tugon ko’y:
Pamula
sa kanto at hanggang sa rito
Walang
bahay ni ilaw akong natandaan
Kundi
itong ponda ni Neneng kong mahal.
Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan)
Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin
Pang-una
sa ikatlong iyong sasagutin
Bakit
ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi
tumatapon walang ligwak ito?
Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon:
Tubig,
bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang
malaki’t mabisang magneto;
Hinihigop
nito ang lahat ng narito
At
sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.
Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!
Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan
Paanong
buwang sa langit ay tanglaw
Aking
mahihipo’t mapaglalaruan?
Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang
Kung talagang
ako ay sadyang mahal mo
Paiirugan
mo ang hiling kong ito.
Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong ako’y
munti’t pinalalaki mo.
Isang
paborito’t ibig kong kuwento
Ay
siyang panugon sa tanong na ito.
Sa pamamagitan ng isang salamin
Minumutyang buwan ay pabababain
Kahit sa
kandungan ng mutya ko’t giliw
Mapaglalaruang
buwang hinihiling.
Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!...
Pakinggan
natin ang tanong na ikatlo.
Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong
Singsing
na nahulog aking sisisirin
Sukdang
ikapugto ng hiningang tangan
Kung
puso ng mutya’y aking maaangkin.
Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot
Na
ang huling tanong kaniyang masagot
Itong
karagatan isang laro lamang
Ngunit
paglalarong birong totohanan
Ayoko
na yatang ito ay ituloy
Baka
sa sagutan ako’y maparool.
Ingkong Terong:
Ituloy mo, apo, bahala na ako.
Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito.
Kung
tayo’y makasal, ay nanaisin ko
Na
magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na
ating sasakya’y binalsang kawayan
Na
bigkis ng lubid na pawang hinabi
Sa
buhanging pino’t ikaw ang pipili.
Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita
Kaya’t
imposible’y pag-aariin pa
Lubid
na buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan
ng aking pagkain
Bawat
isang linggong kakailanganin
Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.
Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling
Bakit
ngayo’y ako ang pasusulitin?
Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling
Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring?
Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw
Ikaw
ay may wikang tapat at matining
Nang
iyong sabihin tayo’y kakasalin
Inakalang
tapat ikaw sa paggiliw
Kaya’t sa problemang aking
Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din
Ang buhanging
lubid ay kaya kong gawin
Kung
sa hirap nito’y kasalo ang giliw.
Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal,
Ni walang
sintahan ay mag-aasawa na.
Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!
Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig
Sayang
ang singsing kong nahulog sa tubig
Kung
ikaw rin lang siyang sisisid
Mahanga’y
hintin kong kumati ang tubig.
Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo
ko.
Ako
ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang
karagata’y simula lang ng kuwento
Mula
ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At
doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.
Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng
balikat.)
Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!
Mabuhay ang karagatan, aliwang
Pilipino!
(Palakpakan)
Maraming salamat po!
ReplyDeleteSir Robby maraming salamat po!
ReplyDeleteMaraming salamat po
ReplyDeleteSalamat po
ReplyDeletehuh?
ReplyDelete