Ilang gabi nang ako ang kapiling
niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at
nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim
na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...Ilang
araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin
ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo,
hati-sa-kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga
labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga
mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at
maninipis na labi, ay kay Ina...Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing
bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang
magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit
ka!...At kailangang ‘di ko makita. Kailangang ‘di ko masaksihan ang kikislap na
poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa
kanyang labi. Kailangang ‘di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga
daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang
ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong
puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...Minsan man ay hindi ko narinig na may
pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng
pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na
kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.Kung gabi
ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay tungkol
sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang
nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at
masasayang bata.Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang
pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung
paano niya pinapakunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong
nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may
hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya
magpapatuloy sa pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng
mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones
sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito –
sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghayan ko ang isang kapana-panabik
na kuwento. Ngunit, ang pananabik na ito’y napapawi.Kabagut-bagot ang aking pag-iisa
at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay:isang batang marahil ay nasa kanyang
kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng
kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang
pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang
hagkan, o isang kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging
katapatan...Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man
ay sadyanghindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na
palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan. Sapat na ang isang tuyot na
aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa
ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin angpanahong itatagal ng isang hapunan.
Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.Mabibilang
sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama,
si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili
nila ang pag-aaliw.Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko
kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga
sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin
ng madla...Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig. Ilang taon na ngayon ang
nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay
nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina:
yaon daw ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni
Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat noon. Lalo siyang
naging malungkot sa aking paningin. Ano ang nasa isang talaarawan? Lasing na
lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaibaang
kalasingan niya ngayong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa,
ngunit wala itong naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata
niya ang hindi maipahayag na pagtutol
Sapagkat may isusulat
ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating
ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat... Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang
dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani
ina. Sinisinat ka nga.Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko
sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin
ang bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at
ang kanyang binti,buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong
binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na
pinaglagaan ng mga dahon ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot
matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng
kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!Sinuklian ko ng
isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni
Ama.Sana’y ako si ina sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na
mahalagaang nadarama kong kasiyahan...Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay
nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim ng
kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.Anang manggagamot
ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit,ayaw niyang ipagtapat sa
akin ang karamdaman ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag.
Nililinis ko ang kanyang makinilya.Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong
kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.
Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi
gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga
liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa
kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi
yaong hawas na mukha, may ilong nakawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na
labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw
na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot...
Ang larawan ay walang lagda
ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanya at sa mga sandaling yaon ay
natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Bakit sa panahong ito lamang tayo
pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka
dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi
maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang
kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang
kaligayahan...Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain
ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na
katotohanang pumipigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin
na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng
isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...Nakita ko siya
kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak
ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko
mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay
mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...Ang pag-ibig
na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan;sapagkat ako ang
nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang
tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho
pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa
akin...Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?Nadama ko ang kamay ni Ina sa
aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan.
Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga
liham na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at lumisang walang
binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang
palad ang aking balikat at nadarama ko paang salat ng kanyang mag daliri; ang
init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...Ang katahimikang
namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong
ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga
paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang
mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon
ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang
dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko
maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan ng
lupa ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga
daliri ang ilang salitang ito. Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong
kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos
kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang
lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga
kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama ang tibay ng
buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.Kinatatakutan ko na ang malimit
na pagkawala ng diwa ni Ama.Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin,
patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang
makakita sa kanya...Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang
pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng
pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang
kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako,
mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung
saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking
wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang malabubog na tubig na
bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niya ang pumatak sa
bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa
pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang
ngiting punong-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng
isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang
mga salamin ng pagdaramdam na di
mabigkas . Nasa mga palad pa rin ni ina
ang kaliwang kamay ni ama: sabihin mo mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan
ko…Kinagat ni ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi
ko maamin kay ina ang tinig na yaon...Maangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni ina ang kasabay ng
kapayapaang nananahan sa mga labi ni ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng
pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga
iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa…
No comments:
Post a Comment